^

Metro

13th OFW and Family Summit, inilunsad sa Las Piñas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling hinikayat kahapon  ni Senador Cynthia Villar ang overseas Filipino workers (OFWs) at miyembro ng kanilang pamilya na magparehistro para sa  13th OFW and Family Summit 2024.

Kahapon, Nobyembre 8, simula alas-8:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon ginanap ang summit sa The Tent, na matatagpuan sa  sa Vista Global South, C5 Extension Road, Las Piñas City.

Layunin nito ang turuan ang mga  OFW at kanilang mga pamilya ng financial literacy  na magagamit nila upang mapalago ang kanilang pera sa kanilang sariling bayan.

Bukod sa pagtuturo sa mga OFW at kanilang mga pamilya kung paano ang matalinong pag-invest ng kanilang mga ipon at lumaki ang kanilang kita sa pagnenegosyo, itinuro ang tips kung paano protektahan ang kanilang pinaghirapang pera at maiwasang mabiktima ng investment scam at iba pang mapanlinlang.

Libre ang magparehistro para sa OFWs at qualified beneficiaries tulad ng mga miyembro ng kanilang pamilya, kanilang asawa at anak, magulang at kapatid.

Ayon kay Villar, maaari rin silang magparehistro onsite sa OFW & Family Summit Desk sa Vista Mall at Starmall branches nationwide.

Makakasali rin sa raffle draw ang mga nakarehistro na may papremyong Camella house and lot, Kawasaki Motorcycles, Allhome Appliances, at Kabuhayan showcases mula sa AllDay.

Paalala ng Senadora, dalhin ang passport at working visa ng OFW, proof of remittances, Seaman’s Book, job contract, kopya ng mga dokumento bilang patunay na sila ay kamag-anak ng OFWs.

OFW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with