^

Metro

Higit P1 oil price hike asahan sa susunod na Linggo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Asahan na higit P1 dagdag sa presyo ng produktong petrolyo sa  susunod na linggo ayon sa Department of Energy (DOE) nitong Biyernes.

Sa Martes posibleng ipatupad ang P1.10- P1.40  sa gasoline; P1.70-P1.90 sa diesel; at P1.10-P1.20 naman sa kerosene.

Ipinaliwanag ni DOE Oil Industry Management Bureau assistant director, Director Rodela Romero, na bunsod ito ng mahinang palitan ng piso at pagsisimula ng panahon ng bagyo sa Estados Unidos.

Nakadagdag din ang sunud-sunod na hurricanes o bagyo ang nakakaapekto sa Gulf of Mexico kung saan naroon ang oil rigs ng US.

Naantala rin ang nakatakdang pagpapataas ng produksyon ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) at ang US Federal Reserve na  planong magbawas ng interest rate upang matugunan ang inflation.

Mas maraming piso ang kakailanganin ng gob­yerno para sa pagbili ng mga produktong petrolyo gamit ang dolyar.

OIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with