^

Probinsiya

Road rage: 1 patay, LTO exec sugatan!

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Road rage: 1 patay, LTO exec sugatan!
Kinilala ni Lt. Col. Roden Fulache, Calapan police chief ang nasawi na si Angeles Marasigan, 85-anyos, may-ari ng tindahan habang ang mga sugatan ay sina Gerardo Hernandez Garcia, 52, deputy chief ng LTO-Calapan District Office, na nagtamo ng tama ng bala ng 9.mm caliber sa kanang likod na tumagos sa kanyang dibdib at si Bernaldo Diño Jr, 38, isang mekaniko at nagmamay-ari ng tindahan ng motorsiklo na tinamaan ng ligaw na bala.
STAR/ File

Sinitang rider, namaril..

CAMP VICENTE LIM, Laguna , Philippines — Isang 85-anyos na store ow­ner ang patay habang malubhang nasugatan ang assistant chief ng Calapan District Office ng Land Transport Office (LTO) at isa pang may-ari ng shop nang mauwi sa pamamaril ang ginawang pagsita ng mga traffic enforcers ng LTO sa isang motorcycle rider sa gitna ng highway sa Calapan City, Oriental Mindoro, nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ni Lt. Col. Roden Fulache, Calapan police chief ang nasawi na si Angeles Marasigan, 85-anyos, may-ari ng tindahan habang ang mga sugatan ay sina Gerardo Hernandez Garcia, 52, deputy chief ng LTO-Calapan District Office, na nagtamo ng tama ng bala ng 9.mm caliber sa kanang likod na tumagos sa kanyang dibdib at si Bernaldo Diño Jr, 38, isang mekaniko at nagmamay-ari ng tindahan ng motorsiklo na tinamaan ng ligaw na bala.

Sinabi ni Fulache, namatay si Marasigan habang ginagamot sa MMG Hospital dahil sa mga tama ng bala sa katawan habang si Diño ay inoobserbahan pa rin sa Oriental Mindoro Provincial Hospital.

Sa ulat, naganap ang insidente matapos na magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng ‘di pa kilalang rider at mga LTO enforcers kasama si Garcia dahil sa ilan umanong paglabag sa trapiko sa Barangay Canlubing 1, Calapan City dakong alas-7:42 ng umaga.

Sinabi ni Fulache na nagsagawa ng spot inspection at checkpoint si Garcia kasama ang apat na tauhan kabilang ang tatlong babaeng enforcer nang harangin at pahintuin nila ang suspek na sakay ng motorsiklo dahil sa paglabag, at sa plate number nito sa kahabaan ng kalsada ng Barangay Canubing 1.

Sa pag-inspeksyon, nabigo ang suspek na ipakita ang kanyang lisensya sa pagmamaneho at Official Receipts kasama ang Certification of Registration, ng dalang motor sanhi ng mainitang pagtatalo.

Dito nagdesisyon si Garcia at kasamahan na i-impound ang motorsiklo, kaya nagalit ang rider at lingid sa kanilang kaalaman ay may dalang baril hanggang sa bigla silang pinaulanan ng bala. Tinamaan si Garcia at nasapol ng ligaw na bala ang dalawang nabanggit na bystanders.

Mabilis na tumakas ang gunman sakay ng kanyang motorsiklo patungo sa hindi malamang direksyon.

Sinabi ni Fulache, narekober ang motorsiklo ng gunman sa pamamagitan ng isang nilikhang tracker team operation sa abandonadong lugar malapit sa mga katabing lugar, sa parehong araw ng gabi.

Natukoy rin ng mga imbestigador ang gunman sa tulong ng nakuhang CCTV video foo­tage na naka-install ilang metro ang layo mula sa crime site at si Garcia mismo ay positibong kinilala ang suspek habang nasa ospital ang opisyal.

vuukle comment

LTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with