^

Metro

QCPD nag-lecture sa higit 6,000 residente vs krimen

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
QCPD nag-lecture sa higit 6,000 residente vs krimen
Sa mga aktibidad, ang mga Community Affairs Section ay nagsagawa ng sunud-sunod na mga lectures tungkol sa Community Anti-Terrorism Awareness (CATA), at Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Program/Drug Awareness
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines —  Naniniwala ang Quezon City Police District (QCPD) na makatutulong ng malaki ang isinagawang lecture sa  6,000 mga residente kontra krimen sa 70 Community Engagement activities ng District Mobile Force Battalion (DMFB), Police Stations 1 hanggang 16, Stakeholders at mga Advocacy Support Groups sa pangunguna ng Community Affairs and Development Division (DCADD).

Sa mga aktibidad, ang mga Community Affairs Section ay nagsagawa ng sunud-sunod na mga lectures tungkol sa Community Anti-Terrorism Awareness (CATA), at Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Program/Drug Awareness

Binigyan din sila ng mga tip kung paano makaiwas sa mga Krimen, Safe Spaces Act, Bomb Awareness, Anti-Bullying, Anti-Violence against Women and their Children), Karapatang Pantao, Gender Sensitivity / Equality, Anti-Bullying at iba pa.

Dagdag pa rito, nagsagawa rin ng mga prog­ramang pangkabuhayan, pagtatanim ng puno, at clean-up drive, at namahagi ng mga IEC Materials, food packs/hot meals, at mga PARAK na pahayagan sa mga benepisyaryo

Layunin ng mga aktibidad na ito na magbigay ng impormasyon upang maiwasan ang krimen at ang mapanlinlang na recruitment ng CPP/NPA/NDF.

“Sa bawat pag-abot natin sa komunidad, mas tumitibay ang tiwala ng mga mamamayan sa kapulisan. Sama-sama nating itaguyod ang isang ligtas at matatag na pamayanan,” pahayag ng acting QCPD chief.

MOBILE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with