11 pulis-SAF pinasisibak sa ‘moonlighting’
MANILA, Philippines — Pinasisibak na sa serbiyo ng Philippine National-Internal Affair Service (PNP-IAS) ang 11 miyembro ng Special Action Force (SAF) na napatunyang sangkot o guilty sa “moonlighting”.
Sinabi ni Atty. Brigido J. Dulay, Inspector General PNP-IAS, ang pinatatanggal sa serbisyo ang 6 na Police commissioned officer kabilang ang isang Lt Colonel at 5 police non-commissioned office dahil sa grave miscondunct, grave dishonesty at conduct unbecoming bilang mga opisyal ng pulis.
Matatandaang naging kontrobersyal ang 2 dalawang miyembro ng SAF nang magsuntukan ang mga ito sa Ayala Alabang subdivision, Muntilupa City noong May 2024. Ang 2 miyembro ng SAF nag-moonlighting bilang mga security escort sa isang Chinese National na konektado sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).
Natuklasan sa imbestigasyon na hindi nagsagawa ng kanilang tungkulin ang mga tauhan ng SAF nang maganap ang insidente. Sa halip, nagsisilbi sila bilang mga security escort nang walang pahintulot mula sa Police Security and Protection Group na malinaw na paglabag sa mga patakaran ng PNP.
Lumalabas na nagkaroon ng sabwatan sa ilang mga opisyal ng SAF sa Zambaonga City upang pagtakpan ang mga illegal na gawain ng mga pulis na nasa Ayala Alabang.
Pinalalabas na ang 2 SAF komando, pisikal na nagta-trabaho o nasa kanilang mga unit na 52 Special Action Company Zambaonga at 55th Special Action Company Zamboanga na walang katotohanan.
Dahil dito, napatunayan ng PNP-IAS na may sala ang ilang opisyal ng SAF sa grave misconduct, grave dishonesty, conduct unbecoming a police officer sa pagtatangkang pagtakpan ang hindi awtorisadong “moonlighting” ng mga gawain ng kanilang mga tauhan.
Habang ang 2 SAF na naaresto sa Muntilupa, natanggal sa kanilang tungkuling dahil sa “moonlighting” serious irregularity in the performance of their duty at pagbibigay ng proteksyon serbiyo sa pribadong mga individual ng walang wastong pahintulot.
Sinabi ni Dulay ang pagtanggal sa mga nasabing opisyal, isang mahalagang hakbang sa patuloy na pagsisikap ng IAS na palakasin ang pananagutan sa hanay ng kapulisan.
- Latest