^

Metro

Halos 5K pulis- Quezon City ikakalat sa Undas 

Angie dela Cruz, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipakakalat ng pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) ang may halos 5 libong tauhan matiyak ang kaayusan at seguridad sa paggunita ng Undas ngayong taon.

Sa QC Journalist Forum, sinabi ni QCPD district director Melecio Buslig Jr. na sa 4,786 personnel na ipakakalat sa mga sementeryo, kolumbaryo at  mga bus terminal, nasa higit i1,000 tauhan mula kabuuang bilang ay naka-monitor naman sa mga komunidad lalo na sa mga bahay na maiiwang walang tao sa panahon ng Undas.

Ayon kay Buslig, may nakalatag ding drone squadron ang QCPD para sa mas malawak na pagpapatrolya sa mga lugar na madalas dagsain tuwing Undas tulad ng mga sementeryo.

Kaugnay nito, may itatalaga ring 70 police assistance desks sa iba’t ibang lugar sa QC para alalayan ang mga bibisita sa mga sementeryo at mga pasaherong magsisiuwian sa probinsya.

Nakiusap din ang QCPD  sa mga magulang na may maliliit na bata at mga senior citizen na agahan nang magtungo sa mga sementeryo at huwag nang makipagsabayan sa peak ng bisita sa mga sementeryo sa November 1 hanggang November 2.

Pinaalala rin ni Director Buslig sa QCitizen na tumawag sa Helpline 122 kung nais ng tulong mula sa QC LGU at QC Police.

POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with