^

Metro

15-anyos utas sa suntok ng SK kagawad!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
15-anyos utas sa suntok ng SK kagawad!
Naaresto ng mga tauhan ng Punta Police Community Precinct (PCP) ng manila Police District (MPD), ang mga suspek na sina alyas “Ireneo”, 23-anyos, SK Kagawad, at alyas “Mark”, 18; kapwa residente ng Barangay 894, Punta, Sta. Ana, Manila. Sila ay isinailalim na sa inquest proceedings sa Manila City Prosecutor’s Office ang nasabing SK kagawad at kasama sa reklamong murder.
STAR/ File

Nambastos ng nobya..

MANILA, Philippines — Patay ang isang binatilyo nang bugbugin at mapuruhan umano sa ulo sa malakas na suntok ng isang Sangguniang Kabataan kagawad at isang kasama, sa Sta. Ana, Maynila, Biyernes ng gabi.

Nakaburol na ang biktimang si alyas “Krishnard”, 15-anyos, residente ng Barangay Hulo, Mandaluyong City.

Naaresto ng mga tauhan ng Punta Police Community Precinct (PCP) ng manila Police District (MPD), ang mga suspek na sina alyas “Ireneo”, 23-anyos, SK Kagawad, at alyas “Mark”, 18; kapwa residente ng Barangay 894, Punta, Sta. Ana, Manila. Sila ay isinailalim na sa inquest proceedings sa Manila City Prosecutor’s Office ang nasabing SK kagawad at kasama sa reklamong murder.

Sa inisyal na imbestigasyon ni P/Master Sgt. Arvie Macarasig, dakong alas-9:10 ng gabi nitong Oktubre 25, kasama ng biktima ang mga kaibigan na nagtungo sa parke sa F. Manalo St., Brgy 894 para mag-picture-picture, nang lapitan sila ng mga suspek at komprontahin, na nauwi sa panununtok.

Bumagsak ang biktima at nawalan ng malay kaya agad dinala sa Sta. Ana Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival.

Nakunan ng CCTV ang insidente at sa isang anggulo, makikita ang paghabol ng mga tanod para awatin ang gulo.

Batay sa pahayag ni Brgy. 894 Chairman Sherwin Cañete, inakusahan ng SK kagawad ang biktima na nambastos sa kaniyang nobya.

Sa una aniya, naawat pa ng mga barangay ­ta-­  nod ang awayan at nang bumalik ang biktima sa harap ng barangay hall ay biglang sinugod ng SK kagawad na nauwi sa habulan hanggang sa nakorner ang biktima.

Lumabas na “traumatic head injury” ang naging sanhi ng kamatayan ng biktima.

MPD

PCP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with