Taas-presyo ng petrolyo, larga uli ngayong Martes
MANILA, Philippines — Habang maraming mga motorista ang hindi pa nakakasalba sa epektong dulot ng bagyong Kristine, isang malaking dagok na naman ang kanilang kakaharapin dahil simula ngayong Martes ay may taas presyo na naman ang mga produktong petrolyo.
Sa abiso ng mga kompanya ng langis na Seaoil, Shell Pilipinas, at Cleanfuel, magpapatupad sila ngayong araw ng dagdag na 50 centavos kada litro ng produktong diesel at kerosene.
Aabutin naman ng 20 centavos kada litro ang taas sa presyo ng gasolina.
Sinasabing ang nagdaang paggalaw ng presyuhan ng petrolyo sa merkado ang ugat ng Oil price hike ngayong martes.
- Latest