‘Project Ligtas Eskwela’ ng QCPD, tagumpay
MANILA, Philippines — Tiniyak ng Quezon City Police District (QCPD) na palalawakin pa nila ang pagpapatupad ng “Project Ligtas Eskwela” na layong matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa lungsod.
Ang paniniyak ay ginawa ni QCPD Director PCol. Melecio M Buslig, Jr., matapos na maging matagumpay ang isinagawang programa mula Oktubre 22 hanggang 28.
Ayon kay Buslig, naglagay ng 273 Police Assistance Desks (PADs) sa iba’t ibang paaralan kung saan nagsagawa rin ng 171 security activities. Nagpakalat din ng 481 personnel ang QCPD para sa police visibility at para masiguro ang kaligtasan ng mga mag aaral.
Personal ding binisita ng QCPD personnel ang 179 paaralan upang masiguro na naibibigay ang suporta at pangangailangan ng mga estudyante at mga guro.
“Our officers are here to support and stand alongside our students and teachers. With every PAD we set up and every school we visit, we reinforce our pledge to the welfare and security of our youth, ” ani Buslig.
Dagdag ni Buslig, ang “Project Ligtas Eskwela” ay alinsunod sa kautusan ni NCRPO Acting Regional Director, PMaj. Gen. Sidney Hernia na matiyak ang kaligtasan at suporta sa lahat ng mga guro at estudyante sa Kalakhang Maynila.
- Latest