Higit P37 milyong shabu, cocaine nasabat sa Taguig
MANILA, Philippines — Mahigit P37-milyong halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang high value individual (HVI), sa isinagawang anti-drug operation sa Bicutan, Taguig City, kamakalawa ng gabi.
KInilala ni Southern Police District (SPD) Director P/Brig. General Bernanrd Yang ang suspek na si alyas “Jhovel”, 34-anyos, residente ng Brgy. Western Bicutan, Taguig City.
Sa ulat, dakong alas-9:45 ng gabi nang madakip sa buy-bust operation ang suspek ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit ng Southern Police District (SPD), kasama ang District Mobile Force Battalion, District Intelligence Division Philippine Drug Enforcement Agency Special District Office (PDEA SDO), at Southern District Highway Patrol Unit sa Western Bicutan.
Nasamsam ang tinatayang 4.5 kilo ng shabu na may street value na P30,600,000 at 6.9 gramo ng cocaine na may halagang P36,570.00
Inihahanda na ang isasampang reklamo ng paglabag sa Section 5 at Section 11, ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa suspek sa Taguig City Prosecutors Office.
- Latest