^

Metro

Inilikas sa Maynila at Muntinlupa nananatili pa sa evac centers, Pasay evacuees nakauwi na lahat

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bagamat marami na ang nagsibalikan sa kanilang mga tahanan, nasa 1,646 na pamilya pa ang nananatili sa evacuation centers sa Maynila na patuloy na kinakalinga ng pamahalaang lungsod.

Tiniyak kahapon ni Manila Mayor Honey Lacuna na patuloy pa rin na inaalalayan ang mga pamilya sa kanilang kalagayan kabilang ang pagbibigay ng makakain at mga gamot.

Nakaantabay pa rin ang medical teams  sa evacuation centers sakaling may pangangaila­ngan ang mga evacuees na nagmula sa District 1, 2 , 3, 5 at 6.

Samantala, nasa 244 tonelada ng ba­sura ang nakolekta sa lungsod matapos ang pananalasa ng bagyong Kristine..

Samantala, sa Muntinlupa City, nasa 590 pamilya o 2,162 katao sa 15 evacuation centers kaugnay sa nagdaang bagyong Kristine, ayon sa Muntinlupa Social Ser­vices Department.

Patuloy din ang pag­hahatid ng local na pamahalaan ng mga pangunahing panga­ngailangan kabilang ang pagkain at malinis na inumin.

Sa Pasay City, nakasara na ang lahat ng evacuation centers pagsapit ng alas-4:00 ng hapon ng Biyernes, Oktubre 25, matapos magsiuwian na sa mga bahay-bahay ang nasa 261 pamilyang inilikas sa kasagsagan ng bagyo.

BAGAMAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with