NAIA pila-balde sa pagkawala ng tubig, mga pasahero dumaing
MANILA, Philippines — Pila-balde muna ngayon ang ginagawa ng mga building attendants sa pag-iigib matapos maubusan ng laman ng tubig ang firetruck ng NAIA na nagsu-supply ng tubig sa airport nang mawalang ng supply ng tubig ang NAIA Terminal 1, kamakalawa ng gabi.
Dahil dito, kanya-kanya muna sila ng igib ng tubig yung mga building attendants na naka-assign sa mga banyo ng paliparan para may magamit na panghugas ng mga personnel at mga pasahero.
Habang sinusulat ito, humahaba ang pilahan ng mga balde para sa kanilang igiban.
Nagrereklamo na rin ang mga pasahero at empleyado ng airlines sa NAIA dahil sa wala silang magamit na tubig kapag sila ay gumamit ng palikuran. Kamakalawa ng gabi pa umano nawalan ng supply ng tubig ang NAIA Terminal 1 at hanggang ngayon ay wala pa ring tumutulong tubig sa mga gripo ng airport.
Galing pa umano ng Parañaque Yung fire truck na nagsu-supply ng tubig kaya medyo natagalan ang paghihintay ng mga nag-iigib.
Tahimik naman sa isyung ito ang New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC) na siyang nagpapatakbo ngayon ng NAIA.
- Latest