LTFRB naglabas ng special permit sa 753 bus
MANILA, Philippines — Nagpalabas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 272 special permits para sa 753 units na handang magserbisyo sa loob at labas ng Metro Manila sa panahon ng paggunita ng Undas.
Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, ang naturang bilang ng special permits ay maaari pang madagdagan dahil marami pang operator ang nag-aplay para magkaroon ng special permit to operate sa labas ng kanilang ruta sa panahon ng Undas.
Ayon kay Guadiz, ang special permits ay valid mula October 25-November 10, 2024.
“In anticipation of the increased volume of travelers, we have ramped up our preparations through intensified inspections at bus terminals nationwide,” sabi ni Guadiz.
Nakikipag-ugnayan din aniya ang LTFRB sa mga bus operators para matiyak na ang lahat ng papasadang mga sasakyan laluna sa panahon ng Undas ay roadworthy at compliant sa safety protocols.
- Latest