^

Metro

NCRPO nag-deploy ng 875 pulis, reresponde sa mga emergencies

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
NCRPO nag-deploy ng 875 pulis, reresponde sa mga emergencies
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. graces the graduation of Batch 2023-01 Classes Alpha-Bravo “BAKAS-LIPI” or "Bangsamorong Kapulisan, Sandigan ng Lipunang Pilipino" at the Municipality of Parang, Province of Maguindanao del Norte on on April 29, 2024.
PPA pool photos by KJ Rosales / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Sa pagdeklara ng heightened alert ng National Capital Region Police Office (NCRPO), alas-12:00 ng hatinggabi ng kamakalawa ay agad nang nag-deploy ng 875 na tauhan sa binuhay na Reactionary Standby Support Force (RSSF) para tumugon sakaling may emergencies.

Inatasan ni NCRPO Acting Regional Director P/Major General Sidney Hernia ang mga tauhan na tiyakin ang kaligtasan ng publiko habang mapa­natili ang kaayusan sa buong rehiyon.

Nabatid na 466 ang itinalaga sa mga evacua­tion center at pangunahing installation sa buong Metro Manila sa pakikipagtulungan sa local government units at iba pang ahensya para paghandaan ang bagyo.

Sa kabuuan, may 598 evacuation cen­ters ang nakahanda para ma-accommodate ang mga indibidwal at pamilyang apektado ng masamang panahon, bagama’t walang naiulat na malalaking insidente.

Nakamonitor din sa sitwasyon ang Regional Tactical Operations Center (RTOC) sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City.

May itinalaga ring tauhan sa mga paliparan kung saan may halos libong pasahero ang na-stranded dahil sa kanseladong flights.

POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with