‘Kalinga sa Maynila Service Fair’ midaraos muli ngayong Sabado
MANILA, Philippines — Inanunsiyo nina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo na nakatakdang magdaos muli ng panibagong serbisyo fair ang Manila City Government ngayong Sabado, Oktubre 19.
Ayon kay Lacuna, ang naturang aktibidad na tinatawag na “Kalinga sa Maynila Service Fair”, ay isang caravan na nag-iikot sa mga barangay upang direktang makapaghatid ng pangunahing serbisyo sa mga residente upang hindi na nila kailanganin pang magpunta ng City Hall upang makatipid ng oras, pamasahe at pagod.
Kabilang sa mga libreng serbisyo ng caravan ay medical consultation, Philhealth profiling, free medicines, blood typing, FBS (fasting blood sugar) at electro-cardiogram o ECG na ipinagkakaloob ng Manila Health Department sa ilalim ni Dr. Poks Pangan.
“Hiniwalay lang namin ang ugnayan and services para mas madaming barangay ang mapuntahan,” anang alkalde.
Nabatid na idaraos ang serbisyo fair ngayong araw sa Numancia Residences sa Binondo mula alas-2:00 ng hapon hanggang alas-5:00 ng hapon.
- Latest