^

Metro

‘Tamang bihis’ sa pinalakas na police visibility sa Metro Manila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinagbabawal sa mga miyembro ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagsusuot ng jacket sa ibabaw ng uniporme sa pagtungo sa kani-kanilang opisina, sa oras ng trabaho at maging sa pag-uwi sa kanilang tirahan.

Isa lamang ito sa tatlong marching order na ipinatutupad ngayon sa pag-upo ng bagong talagang si Acting Regional Director ng NCRPO na si PMajor General Sidney Sultan Hernia.

Nilinaw niya ang kahalagahan ng pagpapanatili ng propesyonalismo at disiplina sa buong hanay na nakatuon sa pagpapahusay ng disiplina at vi­sibility ng pulisya sa buong Metro Manila.

Sa kanyang unang Command Conference kasama ang iba’t ibang pinuno ng NCRPO noong Oktubre 9, 2024, binigyang-diin niya ang pagpapatibay ng PNP LOI “Tamang Bihis” Policy.

Dagdag pa nito, idiniin niya na ang pagsusuot ng maayos/opisyal na uniporme ay nagsisilbing proactive na estratehiya sa Anti-Criminality Campaign para mapigil ang mga krimen at bilang bahagi ng Internal Police Reform upang maitanim ang disiplina at pagsunod sa mga pamantayan ng PNP.

Layunin ng hakbang na matiyak na ang lahat ng mga opisyal ay madaling makilala sa publiko. Ang pagsusuot ng mga jacket habang naka-uniporme ay maaaring malabo ang pagkakakilanlan ng isang opisyal, na posibleng humantong sa pagkalito at pagkasira ng tiwala ng publiko, lalo na sa panahon ng mga emerhensiya at kritikal na sitwasyon.

Ang direktiba na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng NCRPO na palakasin ang police visibility, accountability, at professionalism sa buong rehiyon. Tinitiyak nito na ang lahat ng pulis ay kumakatawan sa PNP na may integridad at dangal sa lahat ng oras.

Samantala, pinag-aa­ralan ng PNP Directorate for Research and Deve­lopment ang lightweight jacket na may markang Pulis. Ang inisyatiba na ito ay naglalayong big­yan ang mga tauhan ng pulisya ng kasuotan na nag-aalok ng parehong kaginhawahan at functionality, na nababagay sa iba’t ibang kondisyon ng panahon habang tinitiyak na ang mga opisyal ay nagpapanatili ng isang propesyonal at presentableng hitsura.

NCRPO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with