Dalagita timbog sa higit P184K droga
MANILA, Philippines — Arestado ang isang 17-anyos na estudyante na nasamsaman ng mahigit P184,000 na halaga ng marijuana at baril sa isinagawang buy-bust operation ng Pasay City Police Station Drug Enforcement Unit, sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.
Si alyas “Cristal”, isang Child in Conflict with the Law (CICL) ay nakatakdang iturn-over ng Pasay Police sa Bahay Pag-asa dahil sa pagiging menor-de-edad.
Sa ulat, dakong alas-7:15 ng gabi ng Oktubre 10 nang arestuhin si Cristal sa Giselle Park, sa Barangay 146, Zone 16, Pasay City, matapos masamsam ang nasa 123. 2 gramo ng marijuana leaves na may street value na P184,800.
Samantala, dalawang lalaki ang dinakip ng CAA-Sub-station ng Las Piñas City Police Station nang matsambahan na may dalang shabu at baril, sa ikinasang Oplan Galugad, sa Brgy. Manuyo Dos, ng nasabing lungsod.
Dakong ala 1:00 ng madaling araw nang makumpiskahan ng 52.98 gramo ng hinihinalang shabu at isang Colt Defender .45 caliber pistol na kargado ng 2 bala.
Inihahanda na ang isasampang reklamong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).
- Latest