^

Metro

‘Killer’ ng taxi driver sa drive-thru, gumamit ng ‘kambal-plaka’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Posibleng “kambal-plaka” lang ang nakakabit sa sasakyan ng suspek na bumaril at pumatay sa isang taxi driver na nakagitgitan sa drive-thru ng isang fastfood chain sa Pasay City, noong Oktubre 8 ng gabi.

Ayon kay Pasay City Police Station commander, P/Colonel Samuel Pabonita, natunton na nila sa San Jose Del Monte, Bulacan ang sasakyang Sedan base sa nakakabit na plakang nakita sa pinangyarihan ng krimen subalit lumalabas na malabong ang nasabing sasakyan ang sangkot sa gitgitan na gamit ng suspek.

Paliwanag ni Pabo­nita, agad nilang na-verify sa Land Transportation Office (LTO) ang naplakahang Sedan at pinuntahan ang bahay ng may-ari na nakarehistro at naroon ang sasakyan na may original na plate number.

Nakausap aniya, ang mismong may-ari na nagsabing hindi naman umalis ang kaniyang sasakyan sa mga oras na binanggit sa krimen at ipinakita ang dashcam na nagpapakitang alas-8:30 ng gabi ay nasa Bulacan ang sasakyan, bukod pa sa mga sticker umano na wala sa isang sasakyan.

Nakita rin sa CCTV sa lugar na alas-12:00 ng tanghali ay naroon lang ang sasakyan at makikita dahil maliwanag na talagang may mga sticker at original na inisyu ng LTO ang plaka.

Patuloy ang forward tracking at backtracking ng mga imbestigador para matukoy ang suspek sa pagkasawi ng nakaalitang taxi driver na si alyas Andrew, 39, ng Valenzuela City, na pinagbabaril sa ulo, leeg at hita nitong Martes ng gabi sa Andrew Avenue, Pasay City. Nakuha ng SOCO sa lugar ang apat na basyo ng bala ng kalibre .45 habang nadatnan ang biktima ay may hawak ding patalim.

PASAY CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with