Taas-baba sa presyo ng petrolyo ipatutupad sa Martes
MANILA, Philippines — Magpapatupad muli ng taas-babang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sinasabing bababa ng mula 50 sentimo hanggang 70 sentimo ang kada litro ng gasolina habang tataas naman mula 40 sentimo hanggang 70 sentimo ang presyo ng kada litro ng produktong diesel habang mula 15 sentimo hanggang 35 sentimo ang dagdag sa presyo ng kerosene.
Ang presyuhan ng petrolyo sa merkado sa nagdaang apat na araw ang ugat ng oil price adjustment.
Tuwing Martes pinatutupad ang pagbabago sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ito ang unang taas-baba ng presyo ng petrolyo makaraan ang oil price hike sa pagpasok ng Oktubre ngayong taon.
- Latest