^

Metro

10 fratmen ‘guilty’ sa Atio Castillo hazing!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
10 fratmen âguiltyâ sa Atio Castillo hazing!
Convicted Aegis Juris fraternity members are escorted on Tuesday, Oct. 1, 2024 at the Manila Regional Trial Court, which found them guilty in the 2017 hazing death of University of Santo Tomas law freshman Atio Castillo.
Philstar.com / Ian Laqui

40-taong kulong

MANILA, Philippines — Hinatulan ng reclusion perpetua o 40 taong pagkabilanggo ng mababang hukuman ang 10 fraternity members na akusado sa pagkamatay sa hazing ng University of Santo Tomas (UST) law freshman na si Horacio “Atio” Castillo III, may pitong taon na ang nakakaraan.

Sa desisyong ibinaba kahapon, napatuna­yan ng Manila Regional ­Trial Court Branch 11 na “guilty beyond reaso­nable doubt” sa kasong paglabag sa Anti-Hazing Law of 1995 sina Arvin Rivera Balag, Mhin Wei Chan, Axel Munro Hipe, Oliver John Audrey Onofre, Joshua Joriel Macabali, Ralph Trangia, John Robin Ramos, Jose Miguel Salamat, Danielle Hans Matthew Rodrigo, at Marcelino Bagtang Jr.

Bukod sa hatol na pagkabilanggo, inatasan ng hukuman ang mga nabanggit na magba­yad sa mga naulila ni Castillo ng P461,800 bilang actual expenses, P75,000 civil indemnity, P75,000 moral da­mages, at P75,000 exem­plary damages.

“All the amounts shall earn interest at the rate of 6% per annum upon finality of the decision until fully paid,” bahagi ng desisyon ng hukuman.

Matatandaang Set­yembre 17, 2017 nang masawi si Atio matapos na isailalim sa initiation rites ng mga akusado, na pawang miyembro ng Aegis Juris fraternity.

Naisugod pa sa Chinese General Hospital si Atio ngunit idineklara na ring patay ng mga doktor.

Tinangka pang pagtakpan ng mga akusado ang krimen ngunit nabu­king din matapos ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad.

FRATERNITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with