^

Metro

Motorista sinalubong ng taas presyo ng petrolyo ngayong araw

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinalubong sa ­unang araw ng Oktubre ng taas presyo ng pet­rolyo ang mga motorista.

Batay sa abiso ng mga kompanya ng la­ngis na Pilipinas Shell, Caltext at Seaoil, alas- 6 ng umaga ngayong martes, October 1 ay magpapatupad sila ng 45 centavos na taas presyo ng panindang gasolina kada litro, 30 centavos sa kada litro ng kerosene at 90 centavos kada litro ang taas presyo sa diesel.

Ang Petro Gazz naman ay alas-6 din ng umaga ngayong martes ang taas presyo ng gasolina na 45 centavos per liter at 90- centavos per liter ang taas presyo ng diesel.

Inanunsyo naman ng kompanyang Cleanfuel na mula alas-4 ng hapon ngayong October 1 martes ay itataas din nila sa 45 centavos ang kada litro ng gasolina at 90 centavos din kada litro ang taas sa presyo ng diesel.

Sinasabing ang dahilan ng oil price hike sa merkado ay dulot nang tumataas na tension ng kaguluhan sa pagitan ng Israel at Lebanon, pagpapalabas ng China ng stimulus package para maiangat ang ekonomiya at pagbagsak ng fuel inventory ng US.

MOTORIST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with