^

Metro

Pagpatay sa 2 senior sa Quezon City, may persons of interest na

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May persons of inte­rest (POI) na ang Quezon City Police District (QCPD) sa pagkasawi ng dalawang senior citizen na natagpuang naaagnas sa ilalim ng lababo at banyo kamakalawa ng madaling araw sa Quezon City.

Ayon kay Lt. Col. Morgan Aguilar hepe ng Novaliches Police Station 4, hindi pa nila masabi kung ang POI ay suspek din sa krimen.

Natagpuan ang bangkay ng biktimang si Imelda Barcarse, 65, sa kabinet sa ilalim ng lababo habang sa loob naman ng banyo nakita ang katawan ni Elpidio Aguillon Agduyeng, 71, sa kanilang bahay sa  St. Francis Village, Barangay San Bartolome, Quezon City dakong alas-3 ng madaling araw nitong Sabado.

Walang “forcible entry” sa bahay ng mga biktima na pinaniniwalaang pinatay sa sakal.

Setyembre 24 nang huling makitang buhay ng kanilang mga kapitbahay ang dalawang matandang biktima.

Sa imbestigasyon ni PCpl. Jordan A Barbado ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng  QCPD, nakaamo’y ang mga kapitbahay ng masansang na amoy na nagmumula sa tahanan ng magpinsang senior na naging dahilan upang madiskubre ang bangkay ni Barcase sa loob ng cabinet na ilalim ng lababo habang ang pinsan na si Agduyeng ay nakahandusay sa sahig ng banyo.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.

vuukle comment

POI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with