^

Metro

Owner ng construction firm, huli sa pagpatay sa Navy intel officer

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang negosyante na itinuturing na pangunahing suspek sa likod ng pagpatay sa isang mi­yembro ng Philippine Navy na si IS3 Ronald Silanga sa Sto. Tomas, Batangas, mahigit isang linggo na ang nakalilipas, ang naaresto sa Barangay Highway Hills, Mandaluyong City, noong Martes ng hapon.

Si Caezar Mangubat, 37, negosyante at may-ari ng isang construction firm, ay humingi pa ng tulong sa isang programang “Wanted sa Radyo” ng TV5 bago siya nai-turnover sa mga awtoridad.

Ayon kay Lt. Col. Titoy Jay Cuden, hepe ng pulisya ng lungsod, ang pag-aresto kay Mangu­bat ay batay sa warrant of arrest na inisyu ni Judge Mary Grace Bonsol-Cabal, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 35, Calamba City, Laguna nitong Sept. 23, 2024.

Walang piyansang inirekomenda ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Mangubat at ngayo’ay nasa kustodiya na ng pulisya ng Calamba.

Ayon kay Cuden, sina Mangubat at Hipolito Gibe Jr, isang dating kadre ng New People’s Army (NPA), ay nakalista bilang Regional Level-Most Wanted Person sa rehiyon ng Calabarzon.

Itinanggi ni Mangubat ang kanyang partisipa­syon sa krimen at idinagdag na boluntaryo niyang ibinigay ang sarili sa tulong ng media personality.

Si Mangubat, kanyang security aide-bodyguard na si Gibe Jr. na isang dating gerilya ng New People’s Army na nagsilbing gunman sa krimen at nananatiling pinag­hahanap, at dalawang naarestong kasabwat na sina alyas Carlo, 26, at Jay, 29 ay kabilang sa apat na taong sangkot sa pagpatay kay Silanga.

Sinabi ng pulisya na ang dating gerilya umano ang bumaril sa biktima.

Natagpuan ang biktima pasado alas-10 ng gabi noong Setyembre 6 sa isang abandonadong sasakyan na nakaparada sa kahabaan ng Mahar­lika Highway sa Barangay San Rafael.

PHILIPPINE NAVY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with