Women’s Chess team umiskor ng gold medal
BUDAPEST, Hungary — Gold medal at best finish sa kasaysayan ng paglahok ng Pilipinas sa FIDE Chess Olympiad.
Inangkin ng mga Pinay woodpushers ang ginto sa Group B sa women’s section ng 45th Olympiad matapos magsulong ng panalo sina Shania Mendoza, Janelle Mae Frayna, Jodilyn Fronda at Ruelle Canino laban sa Brazil, 4-0, sa 11th at final round dito sa BOK Sports Hall.
Tumabla ang tropa sa 22nd place kasama ang 14 pang bansa na may tig-14 match points.
Ngunit pumuwesto sa 24th overall matapos makuwenta ang mga tiebreaks.
Sa pagsalang sa 11-round tournament ay No. 47 ang Philippine national women’s squad.
Ito ang unang gold medal ng bansa matapos bumandera sina Sheerie Joy Lomibao, Catherine Pereña, Sherily Cua at Beverly Mendoza sa Group C noong 2006 Turin edition.
Ito rin ang best finish ng Pinas sapul nang tumapos sina Girme Fontanilla, Mila Emperado at Ma. Cristina Santos Fidaer sa 22nd place noong 1988 edition sa Thessaloniki, Greece.
“It will be a legacy in Philippine chess that will be remembered for a long time,” ani national women’s team coach Grandmaster Jayson Gonzales na nagpasalamat din sa suporta ng Philippine Sports Commission (PSC) at ni NCFP president Butch Pichay.
- Latest