^

Police Metro

‘Angels of death’ private army ni Quiboloy - PNP

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isa umanong private army ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy ang sinasabing “angels of death” na nagbabanta sa mga biktima nito ng pang-aabuso at pangggahasa.

Ang mga private army ay kinabibilangan umano ng mga army reservist at militiamen na naghihintay lamang ng utos mula kay Quiboloy.

Ito ang inihayag ni PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo, batay sa testimonya mismo ng mga biktima ni Quiboloy  sa kasagsagan ng pagsalakay ng PNP sa KOJC Compound sa Davao City.

“May initial na silang (Police Regional Office 11) pangalan na maaaring miyembro nitong sinasabing ‘angels of death’ na ginagamit para takutin at saktan itong magdi-divulge ng secrets nilang nangyari doon sa loob ng KOJC building,” ani Fajardo.

Inaasikaso na ang kanselasyon ng lisensiya ng mga baril ng mga “angels of death” members.

Sina Quiboloy at mga kasabwat na sina Jackielyn Roy, Ingrid Canada, Cresente Canada, at Sylvia Cemañes ay nahaharap sa kasong human trafficking, child abuse, at sexual abuse.

Idinagdag pa ng PNP na nasa higit 10 indibiduwal na “kumupkop” kay Quiboloy ang nakatakdang kasuhan ng PNP.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with