^

Metro

MRT-3 at LRT-2, may libreng sakay sa government employees mula Setyembre 18-20

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
MRT-3 at LRT-2, may libreng sakay sa government employees mula Setyembre 18-20
The MRT-3 and LRT-2 may require distinct approaches in privatizing their operations, according to the DOTr.
STAR / File

MANILA, Philippines — Magandang balita dahil sa magkakaloob ng libreng sakay ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa mga empleyado ng pamahalaan, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 124th anniversary ng Philippine Civil Service.

Sa abiso ng MRT-3 at LRT-2, nabatid na maaaring i-avail ang libreng sakay mula Setyembre 18 hanggang Set 20.

Maaari umanong makakuha ng libreng sakay ang mga kawani ng gobyerno sa buong oras ng operasyon ng MRT-3 sa nasabing tatlong araw.

“Binabati at pinasasalamatan po natin ang lahat ng mga emple­yado ng gob­yerno na naglilingkod nang tapat para sa kapakanan ng publiko. Layon ng LIBRENG SAKAY ng MRT-3 na makapag­hatid ng kahit kaunting kasiyahan sa kanila na tanda ng aming pagsaludo at pasasalamat sa kanilang mga sakripisyo. Mabuhay ang mga kawani ng gobyerno!” ayon kay MRT-3 General Mana­ger Oscar B. Bongon.

Ang unang biyahe ng tren ng MRT-3 mula sa North Avenue Station ay 4:30AM at 5:05AM naman mula sa Taft Avenue Station.

Samantala, ang hu­ling biyahe ay 9:30PM sa North Avenue Station at 10:09PM naman sa Taft Avenue Station.

Sa abiso naman ng LRT-2, nabatid na maaaring i-avail ang libreng sakay mula 7:00AM hanggang 9:00AM at mula 5:00PM hanggang 7:00PM.

Nabatid na kinakailangan lamang na magpakita ng employee ID sa station personnel upang mapatunayan na sila ay kawani ng gobyerno at makatanggap ng libreng sakay.

“May handog na libreng sakay ang LRTA para sa mga kawani ng gobyerno, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Philippine Civil Service. Magpakita lamang ng government issued ID,” anito pa.

LRT

MRT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with