BIR, CIDG nakasamsam ng halos P200 milyong puslit na yosi
MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Internal Revenue Commissioner Romeo Lumagui ang pagkasamsam sa may sa halos P200 milyong pakete ng mga puslit na mga sigarilyo sa isinagawang surprise night operation sa loob ng warehouse sa Quezon City at Caloocan City.
Bunga nito, umaabot sa Php 838 millyong bayad sa buwis ang hinahabol ng BIR sa may-ari ng naturang mga kontrabando.
“This BIR raid of 2 illicit cigarette warehouses in Quezon and Caloocan City shows our commitment to fight illicit trade. The BIR will raid your warehouses even after midnight. The BIR will not rest until illicit trade is exterminated,” sabi ni Commissioner Lumagui.
Kasama ng BIR sa naturang raid ang mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police (PNP-CIDG).
Nanawagan si Lumagui sa publiko na makipag- tulungan sa BIR at isumbong ang mga nalalamang mga tiwaling negosyante na hindi nagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan.
Ayon naman sa CIDG ito ay kasunod ng direktiba ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen.Rommel Marbil na paigtingin ang kampanya laban sa mga puslit na sigarilyo na nakaaapekto sa ekonomiya ng bansa.
Bitbit ng mga tauhan ng BIR at CIDG ang BIR Mission Orders, unang sinalakay ang isang bodega sa Balingasa Street, Balintawak, Quezon City, na sinuportahan din ng mga tropa ng Quezon City Police District.na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang Chinese at dalawang Filipino.
Kasunod namang sinalakay bandang alas-11 ng gabi kamakalawa ang isa pang warehouse sa F. Roxas Street, 6th Avenue, Grace Park West, Barangay 54, Caloocan City at nasa 170 kahon ng mga smuggled na sigarilyo ay pawang mga walang BIR tax stamps.
Ang mga nakumpiskang mga kontrabando ay nasa pag-iingat na ng BIR main sa main office nito, samantalang ang nga naaresto ay nasa kustodiya na ng CIDG-AFCCU.
Nahaharap naman sa kasong paglabag sa National Internal Revenue Code partikular na ang Tax Evasion ang mga nahuling suspek.
- Latest