^

Metro

1K pamilya nasunugan sa Tondo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
1K pamilya nasunugan sa Tondo
Malaking sunog ang sumiklab sa Tondo Manila kung saan nasa 1,000 pamilya ang naapektuhan
Kuha ni Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 1,000 pamilya ang naapektuhan ng sunog na tumupok sa 9 na tenement building sa Aroma Compound, Road 10, Barangay 105 Gagalangin, Tondo, Maynila, kahapon.

Bukod sa mga nasabing gusali, may tatlong kabahayan din ang bahagyang nadilaan ng apoy.

Sa inisyal na ulat, nagmula ang apoy sa ikalawang palapag na gitnang bahagi ng building 27 na posibleng nagmula sa pagluluto ng pagkain doon, na kumalat hanggang Building 23.

May 7 katao naman ang nagtamo ng minor injuries na sanhi ng pagmamadaling mailikas ang kanilang kagamitan.

Ayon kay Bureau of Fire Protection, Senior Inspector Aljendro Ramos, ang malakas na hangin ang nagpahirap sa mga bumbero para maapula ang apoy  na nagsimula alas 11:44 ng umaga na umakyat sa Task Force Bravo.

Ginamitan pa ng helicopter na nagbuhos ng tubig, at 17 fire engine ang ginamit bukod pa sa fire volunteers.

Hindi pa idineklarang fire under control hanggang alas 5:30 ng hapon.

Samantala,  isa pang sunog ang naganap sa isang residential area, sakop pa ring Tondo, alas 2:31 ng hapon at idineklarang fire-out alas 3:11 ng hapon, kahapon.

Nagsimula umano ang apoy sa bahay na inuupahan ng isang Marites Uy, 59 anyos, sa No. 1475 Balintawak St.,  Tondo, Manila.

Patuloy pa ang imbestigasyon.

SUNOG

TONDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with