^

Metro

4 dayuhan dakma sa mga baril at bala

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
4 dayuhan dakma sa mga baril at bala
Ang mga baril at bala na nasabat sa apat na dayuhan sa isinagawang Makati raid.

MANILA, Philippines — Dalawang Chinese at dalawang Vietnamese ang nasakote ng mga tauhan ng pinagsanib na pwersa ng Investigation and Detection Management Section (IDMS) at Special Wea­pons and Tactics (SWAT) ng Makati City Police Station-Southern Police District, sa isinilbing search warrant, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Kaiyong Zhou, lalaki, 28; Phuong To Chau, babae, 30, kapwa Vietnamese natio­nals; Li Shusong, lalaki, 33; at Zhang Xiao Bo, lalaki, 22, kapwa Chinese nationals.

Sa ulat, alas-6:00 ng gabi nang isagawa ang operasyon sa ika-8 palapag ng Roxas Residence Tower II, Dasmariñas Condo, na nag­resulta sa pagkaaresto ng mga suspek, na nasamsaman ng 3 rilfle at isang pistola at mga bala.

Nang makakuha ang impormasyon kaugnay sa iligal na aktibidad ng mga suspek , inisyuhan ang IDMS ni Makati City 1st Vice Executive Judge Cristina F. Javalera Sulit ng search warrant.

Pinuri ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, P/Major General Jose Melencio Nartatez Jr. ang mga operatiba.

“This operation is a clear reflection of the NCRPO’s unwavering commitment to protecting the people of Metro Manila from all forms of criminal activity. Our officers acted swiftly and decisively, ensu­ring that those responsible for illegal activities are brought to justice. We remain vigilant in our mission to uphold the law and secure the safety of every community in the region. Rest assured, the NCRPO will continue to take strong action against those who threaten peace and order, leaving no room for lawlessness,” ani Nartatez.

ARRESTED

GUN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with