^

Metro

Cybercrimes sa Quezon City, bumaba ng 33 porsiyento — QCPD

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinagmalaki ng pamunuan ng Quezon City Police District ang pagbaba ng 33 porsiyento sa mga naitalang cybercrime sa lungsod.

Batay sa report na tinanggap ni QCPD Director PBGen. Redrico Maranan sa QC District Anti-Cybercrime Team (QCDACT) na pinamumunuan ni PMaj Eric Casabal, para sa mga buwan ng Hulyo at Agosto 2024, bahagyang nasawata ang iba’t ibang uri ng mga cybercrime nitong Hulyo at Agosto ngayong taon.

Ito ay dahil sa patuloy na agarang pagtugon ng QCDACT sa iba’t ibang uri ng cybercrimes, kabilang ang online scam, illegal access, ATM at credit card fraud, computer-related identity theft, online libel, online threats, unjust vexation, grave coercion. paglabag sa RA 11313 (Safe Spaces Act), at Article 294 ng Revised Penal Code.

Sa kabuuan, noong Hulyo 2024, nakatanggap ang QCDACT ng 159 reklamo, kung saan 146 na kaso ang matagumpay na na­resolba.

Habang sa buwan naman ng Agosto, bu­maba ang mga reklamo sa 105, at 97 kaso ang naresolba. Ito ay may pagbaba ng 54 na insidente o 33 porsyento.

Bukod dito, ang Crime Solution Efficiency ay tumaas mula 91.82% noong Hulyo patungong 93.33% noong Agosto.

Habang ang Crime Clearance Efficiency ay tumaas din mula 96.22% noong Hulyo sa 98.09% noong Agosto kung saan ipinakita nito ang patuloy na pagtaas sa paglutas ng mga kaso ng QCDACT.

“Patuloy tayong magsusumikap na pahusayin ang ating investigative capabilities at palakasin ang ating ugnayan sa mga lokal at pambansang ahensya upang matiyak ang mga krimen sa online ay agarang matutugunan. Ang ­ating pangunahing layunin ay mapanatili ang kaligtasan at kapayapaan sa Quezon City,” pahayag ng QCPD chief.

CYBERCRIMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with