^

Metro

Higit P7 milyong ilegal na droga nasabat sa 5 abandonadong parcel sa NAIA

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
Higit P7 milyong  ilegal na droga nasabat sa 5 abandonadong parcel sa NAIA
Una rito ang mga naturang parcel ay padala ng ibat ibang individual mula Thailand, Canada, California na naka consignee naman sa limang indibidiwal na nakatira sa Tondo, Pampanga, Mandaue city, Taytay Rizal, at Bulacan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Aabot sa higit P7 milyong halaga ng ile­gal na droga mula aa limang abandonadong parcel ang nasabat ng Bureau of Customs at NAIA-PDEA sa Central Mail exchange center sa Pasay City.

Una rito ang mga naturang parcel ay padala ng ibat ibang individual mula Thailand, Canada, California na naka consignee naman sa limang indibidiwal na nakatira sa Tondo, Pampanga, Mandaue city, Taytay Rizal, at Bulacan.

Natuklasan ng mga tauhan ng customs at NAIA-PDEA ang laman ng parcel nang idaan ang mga ito sa x-ray machines at physical examination ng customs examiners kung saan aabot 4,877 grams na kush o high grade marijuana, na ang halaga ay sabot sa P6,827,800.00

Habang pitong disposable vape naman na may sangkap na marijuana oil na nagkakahalaga ng P3,780.00 ang nasabat din.

Ang mga naturang ile­gal na droga ay naiturn-over na sa NAIA PDEA-IADITG para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon.

PDEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with