^

Metro

3 days na liquor ban, ipapatupad sa Muntinlupa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
3 days na liquor ban, ipapatupad sa Muntinlupa
Iiral ang liquor ban simula alas-10:00 ng gabi ng Set. 7 hanggang Set. 8 alas-10:00 ng gabi.
Philstar.com / Irish Lising

Dahil sa 2024 Bar Exams

MANILA, Philippines — Muling nagpaalala  sa publiko ang Pamahalaang  Lungsod ng Muntinlupa na iiral ang liquor ban sa loob ng tatlong araw sa loob ng 500 meter radius mula sa San Beda College Alabang kaugnay sa idaraos ng 2024 Bar Examinations.

Iiral ang liquor ban simula alas-10:00 ng gabi ng Set. 7 hanggang Set. 8 alas-10:00 ng gabi.

Sa parehong oras din ipatutupad ang liquor ban sa mga petsang Set. 10-11, at Set. 14-15.

Ito’y alinsunod sa Executive Order No. 45, S 2023.

Sa mga indibiwal na lalabag, may multang P2,500 sa first offense, P5,000 sa second at sa mga susunod pang pagkakataon na lalabagin ang liquor ban.

Ipasasara naman ng isang linggo ang mga establisimentong magbebenta ng alak o inuming nakalalasing sa erya na umiiral ang nasabing ordinansa. Mas Malala naman kung mauulit ang paglabag dahil babawiin ang business permit ng tindahan.

LIQUOR BAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with