Pagpasok sa bansa ng 4 dayuhan, pinigil ng BI
MANILA, Philippines — Pinigil ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang pagpasok ng apat na dayuhang nagkunwaring bumabalik na turista ngunit pinaghihinalaang magtatrabaho sa bansa.
Kinilala ng mga opisyal ng imigrasyon ang tatlong lalaking Vietnamese nationals na sina Truong Quang Than, 28 ; Bui Van Chi, 36, Ngo Dan Tuong 22, at isang babae na si Nguyen Hoang Minh Huy, 19.
Dumating ang apat sakay ng isang flight ng Philippine Airlines mula Hanoi at nagpakilalang mga turista.Sa ikalawang pagsusuri, napansin ng mga opisyal ang mga hindi tugmang pahayag ng grupo tungkol sa kanilang layunin sa pagbisita.
Natuklasan na dati na silang nanatili sa bansa nang matagal, hanggang pitong buwan. Sa kalaunan, inamin ng isa sa kanila na siya ay nagtrabaho sa isang catering business noong nakaraang pananatili sa bansa, nang walang wastong visa
Samantala, ipinatapon ng BI-NAIA ang dalawang Korean fugitive
Dalawang South Koreans na wanted sa electronic financial fraud ng mga awtoridad sa kanilang bansa ang ipinatapon ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na si Kwon Hyuckkeun, 41, at You Hyun Tea, 53, ay ipinatapon sa Incheon, South Korea sa pamamagitan ng Korean Air flight noong Agosto 21.
- Latest