^

Metro

3 Malaysian KOJC members, hinarang sa NAIA

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
3 Malaysian KOJC members, hinarang sa NAIA
Ang tatlong Malaysian, dalawa sa kanila ay ba- bae, na nagpakilalang mga miyembro ng King- don of Jesus Christ (KOJC) habang iniiskortan pasakay ng eroplano pabalik sa Malaysia mata- pos silang pagbawalang pumasok sa bansa dahil sa pagiging “undesirable alien” matapos maki- taan ng mga anti-government screenshot slogan.
STAR/ File

Sasali sa anti-government rallies

MANILA, Philippines —  Hinarang ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tatlong Malaysian national na nagpakilalang mga mi­yembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ni Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang tatlong pasaherong Malaysian ay agad isinakay pabalik sa isang flight papuntang Malaysia noong Agosto 28 matapos silang pagbawalang pumasok sa bansa.

Dumating umano ang tatlong Malaysian sa NAIA Terminal 1, gabi ng Agosto 27 sa pamamagitan ng Philippine Airlines flight mula Kuala Lumpur. Sila ay kinilalang sina Jessica Lynn Henry, Mimielianna Annie Anak Leesoi, at Andrijosebaul Anak Garra; pawang nasa mid-20s ang edad.

Ang tatlo ay duma­ting sa NAIA kasama ang isang grupo ng mga Pilipino na mga miyembro ng KOJC na kalaunan ay “tinalikuran” ang tatlo matapos silang i-refer para sa karagdagang ins­peksyon sa imigrasyon.

Ayon kay Tansingco, hindi pinapasok ang mga Malaysian dahil malamang na maging public charge, matapos silang ma-flag dahil sa kahina-hinalang layunin sa bansa, na ­posi­b­­­leng sumama sa mga pagkilos ng KOJC laban sa gobyerno.

Sa incident report ng BI, ang tatlong Malaysian ay pupunta umano sa Davao City sa imbitasyon ng KOJC sa Davao City na hinahalughog naman ngayon ng PNP upang mahanap ang wanted na si Quiboloy na hinihina­lang nasa compound pa rin ng KOJC.

Gayunman, hindi nakapagpakita ang tatlong dayuhan ng patunay ng kanilang kakayahan sa pananalapi upang suportahan ang kanilang pananatili sa bansa at inamin na sila ay walang trabaho.

Ang isa sa mga dayuhan, habang iniinterbyu, ay hindi sinasadyang ipinakita sa mga superbisor ng BI ang kanyang mobile phone na may screenshot ng Excel ng iba’t ibang anti-government slogan tulad ng “BBM Resign,” “Stop KOJC Injustices,” at “AFP/PNP Protect the People. ”

Nang tanungin na ipa­liwanag ang screenshot, sinabi ng pasahero na aksidente niyang na-download ang nasabing mga slogan mula sa kanyang Facebook/Messenger page.

Giit ng BI, ang mga dayuhan ay hindi pinapayagang manghimasok o makialam at sumali sa panloob na mga gawaing pampulitika ng bansa, kaya ang mga dayuhan sangkot sa mga kilos-protestang ito ay maaaring mapatalsik dahil sa paglabag sa mga batas sa imigrasyon ng Pilipinas at sa pagiging hindi kanais-nais na mga dayuhan.

Ang tatlong Malaysian ay inilagay sa immigration blacklist at pinagbawalan na makapasok sa bansa.

KOJC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with