^

Metro

Jail office na ‘tulak’ sa MCJ, timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ng Manila Police District (MPD) ang isang tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) matapos makuhanan ng liquid marijuana na  ibinebenta umano nito sa mga preso sa loob ng Manila City Jail (MCJ).

Ayon kay Jayrex Bustenera, tagapagsalita ng BJMP, ang suspek na si alyas “JO1 John”, nakatalaga sa MCJ ay nahulihan ng 3-syringe ng 20 gramo ng high-grade liquid marijuana o tetrahydrocannabinol (THC) na kaniya umanong ipupuslit sana papasok ng nasabing piitan.

Sa ulat kay MCJ Warden Jail Supt. Lino Soriano, isinailalim sa surveillance si alyas JO1 John BJMP bago nakumpirmang siya ang responsable sa pagpapasok ng illegal na droga sa loob ng nasabing kulungan.

Nang matunugan na muling magdadala ng nasabing iligal na droga, hinarang siya ng mga kabaro at ininspeksyon ang bitbit na pakete. Paliwanag niya, isang person deprived of liberty (PDL) na may sakit na epilepsy ang gagamit ng dala niyang marijuana oil na inilalagay naman ng mga preso sa vape. Nasa ?50,000 umano ang halaga ng ipinupuslit na marijuana oil.

JAIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with