^

Metro

Ban sa importasyon ng poultry products sa California, South Dakota inalis na ng DA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinanggal na ng Department of Agriculture (DA) ang ban para sa importasyon ng mga domestic at wild birds kasama na ang mga poultry products mula sa  California at South Dakota .

Ito ayon sa DA ay makaraang mapatunayan mula sa dalawang lugar sa Estados Unidos na libre na sa  avian influenza  ang mga ibon at poultry products sa naturang mga bansa noong Hunyo.

Sa ilalim ng memorandum 37 na pinirmahan ni  Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., pinapayagan na ng ahensiya ang importasyon ng wild at domestic birds kasama na ang poultry pro­ducts tulad ng karne,  hatching eggs, day-old chicks at semen na gagamitin sa  artificial insemination.

Una nang naipatupad ng DA ang temporary ban nang ang  California noong Enero ngayong taon at ang South Dakota noong November noong nagdaang taon ay kumpirmadong may  outbreaks ng  H5N1 subtype ng  Highly Pathogenic Avian Influenza na kumitil na sa milyong infected birds at  poultry doon.

vuukle comment

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with