Presyo ng petrolyo, tataas sa pagpasok ng Setyembre
MANILA, Philippines — Makaraan ang isang linggong bigtime rollback sa presyo ng petrolyo, magkakaroon na naman ng taas presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo o sa unang linggo ng Setyembre.
Batay sa abiso ng mga kompanya ng langis, tataas ng mula 20 sentimos hanggang 45 sentimos ang kada litro ng gasolina, walang taas o hanggang 20 centavos per liter ang taas sa diesel at mula 45 centavos hanggang 55 centavos per liter ang taas sa presyo ng kerosene.
Sinasabing ang galaw nang presyuhan ng mga produktong petrolyo sa merkado ang ugat ng oil price hike.
Tuwing Martes, ipinatutupad ang oil price adjustment.
- Latest