Higit 150 loose firearms nakumpiska sa QCPD ops
MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 150 iba’t ibang mga baril ang nakumpiska ng Quezon City Police District (QCPD) sa pinaigting na kampanya kontra loose firearms.
Ayon kay QCPD Chief PBGen. Redrico Maranan, nasamsam ang mga armas sa mga operasyong ikinasa mula Enero hanggang nitong August 28, 2024.
Nasa 201 indibiduwal naman ang naaresto sa mga isinagawang operasyon.
Nabatid na nangunguna ang Novaliches Police Station (PS-4) sa may pinakamaraming nasamsam na armas na sinundan ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS-13), at La Loma Police Station (PS-1).
Binigyan diin ni Maranan na ang kumpiskasyon ng mga baril at pagkakaaresto sa mga suspek ay indikasyon na patuloy ang mga pulis sa kanilang tungkulin at pagkakaroon ng dedikasyon.
Makakaasa rin aniya ang publiko na patuloy pang paiigtingin ang preventive measures katulad ng checkpoint upang masiguro ang seguridad ng lungsod.
- Latest