^

Metro

Suspek sa road rage, sugatan sa shootout sa mga pulis

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sugatan ang isang lalaki na sangkot sa umano’y road rage sa Mandaluyong City at nakabaril ng dalawang indibidwal, nang manlaban habang inaaresto ng mga pulis sa Intramuros, Manila kamakalawa.

Ang sugatang suspek na si Jerome Sanchez, 32, ay isinugod sa Philippine General Hospital (PGH) upang malapatan ng lunas.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director PMGEN Jose Melencio Nartatez Jr., dakong alas-4:20 ng hapon nang maaresto ang suspek sa Victoria St., kanto ng General Luna St. sa Intramuros.

Natunton umano ng mga awtoridad ang kinaroroonan ng suspek sa tulong ng mga CCTV footages.

Gayunman, imbes sumuko ay nanlaban umano ang suspek at nakipag-barilan sa mga pulis na ikinasugat ng isa sa mga alagad ng batas.

Nabatid na ang suspek ay tinutugis ng mga awtoridad dahil sa pagkakasangkot sa isang road rage incident sa Mandaluyong City dakong ala-1:15 ng madaling araw noong Martes.

Minamaneho umano ng suspek ang isang sedan nang may makasagutang isa pang motorista, na nakagitgitan nito at muntik nang makabanggaan.

Pinaputukan umano ng suspek ang driver ngunit ang tinamaan ay isang kostumer at helper sa isang kainan sa lugar.

Nakumpiska ng mga pulis mula sa suspek ang isang kalibre .45 ng baril at pulbos na hinihinalang ilegal na droga.

Patung-patong na mga kasong frustrated homicide, direct assault, paglabag sa Republic Act 10591 o The Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at RA 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act ang nakatakdang isampa ng mga pulis laban sa suspek.

PGH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with