^

Metro

POGO hub sa Parañaque ni-raid: 414 arestado

Ludy Bermundo, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
POGO hub sa Parañaque ni-raid: 414 arestado
Ang ni-raid na POGO hub sa Parañaque City kung saan mahigit sa 400 mga dayuhan at Pinoy ang pinigil.
Edd Gumban

Dawit sa ‘love at cryptocurrency trade scam

MANILA, Philippines — Nasa 414  na magkakahalong Chinese, Indonesian, Malaysian at Pinoy ang inaresto ng pinagsanib na pwersa ng National Capital Region Police Office-Regional Intelligence Division (NCRPO RID), Regional Mobile Force Batallion (RMFB) Parañaque City Police, Anti-Cybercrime Group kasama ang mga kinatawan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) matapos salakayin ang  love at trading scams hub sa Parañaque City, mada­ling araw ng Huwebes.

Ayon kay NCRPO chief, P/Major General Jose Melencio Nartatez Jr., may isang buwan ang isinagawang surveillance bago isinagawa ang raid alas- 2:00 ng madaling araw ng kahapon sa bisa ng search warrants na ­inisyu ng Manila Regional Trial Court Branch 24, para sa kabuuan ng ika-9 na palapag ng isang pribadong gusali na ginagamit ng sindikato.

Sinabi ni Nartatez, na ang Room 901 na kumpleto ang kagamitan sa POGO hub ay interconnected sa iba pang silid sa nasabing palapag, kung saan naaktuhan pa ng mga operatiba ang mga ginagawa ng mga empleyado ang kanilang transaksyon sa kanilang mga binibiktima.

Isang special software umano ang gamit ng mga empleyado ng POGO hub at pekeng accounts para maengganyo ang mga kliyente na mag-invest sa cryptocurrency exchange platform.

Kinumpiska ang maraming computer at cellphone na gagamitin sa pagsasampa ng rek­lamong paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Fraud.

Isang Chinese national na sinasabing may-ari ng iligal na POGO ang kasama sa inaresto, gayundin ang isang manager at team leader na foreign nationals.

ARRESTED

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with