^

Metro

Teodoro: ‘Political harassment at smear attacks’ lang

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Sa kasong isinampa sa Ombudsman

MANILA, Philippines — Kinuwestiyon ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro ang reklamong inihain laban sa kanya at ilan pang alkalde, sa Office of the Ombudsman ka­makailan at tinawag itong ‘political harassment’ at ‘smear attacks.’

Sa isang pahayag, nagpahayag din ng paniniwala ang alkalde na maaaring ito ay bahagi ng mas malawak na pattern ng pamumulitika at harassment na ang target ay ang Mayors for Good Go­vernance (M4GG).

“This complaint appears to be part of a broader pattern of political harassment and smear attacks. We are seeing similar tactics used against other members of Mayors for Good Governance, including Mayor Benjie Magalong of Baguio, Mayor Jerry Treñas of Iloilo, and Mayor Vico Sotto of Pasig, who have also recently faced similar challen­ges,” ayon kay Teodoro.

Anang alkalde, kahina-hinala rin ang timing ng paghahain ng kaso laban sa kanya at ilang pang kapwa alkalde dahil natapat ito sa panahon ng paghahain ng kandidatura para sa 2025 National and Local Elections (NLE).

“The complaint filed against me and other city officials coincides with the upcoming fi­ling of candidacy for the next elections. It’s hard to ignore the timing of this, as it raises some serious questions about the motivations behind it,” aniya.

Matatandaang si Teodoro ay inakusahan ng technical malversation sa Office of the Ombudsman kaugnay sa umano’y misuse ng PhilHealth fund.

Nilinaw naman ng alkalde na ang kinukwestiyong PhilHealth funds, na pondong na-reimburse noong pa­nahon ng pandemya, ay nananatiling intact at fully accounted for, na nakumpirma na aniya ng mga isinagawa audit sa mga nakalipas na taon.

Kasabay nito, nanawagan rin si Teodoro ng isang patas na imbestigasyon hinggil sa isyu.

“And I want the people of Marikina to know that my commitment to good governance, to the well-being of our community, remains as strong as ever,” ayon pa sa alkalde.

Samantala, mariin namang binatikos ng M4GG ang anila’y politically motivated attacks laban sa ilan nilang miyembro, bago sumapit ang halalan.

“Ipinapahayag ng Mayors for Good Governance ang buong suporta at tiwala sa ating mga convenor na sina Marikina City Mayor Marcy Teodoro, Pasig City Mayor Vico Sotto, at gayundin kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas,” ayon sa samahan. “Ang mga isinampang rek­lamo laban sa kanila sa Ombudsman ay pagkakataon upang lumabas ang katotohanan at malinis ang kanilang mga pangalan. Ngunit hindi natin isinasantabi na ang mga ito ay pamumulitika at panggigipit sa kanila lalo na’t pumapalapit na ang Filing of Candidacies para sa Halalan 2025.”

HARASSMENT

OMBUDSMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with