Pasahero huli sa droga sa NAIA
August 21, 2024 | 12:00am
MANILA, Philippines — Inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking pasahero matapos makuhanan ng illegal na droga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3.
Ang nasabing pasahero ay papasakay sana ng Cebu Pacific flight patungong Zamboanga ng makita sa final security checkpoint ang dala nitong nasa 2.2 gramo na hinihinalang shabu.
Nasa kostudiya na ng PDEA ang pasaherong hindi pinangalanan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at pagsasampa ng reklamo laban sa nasabing pasahero.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
- Latest
Latest
Recommended