^

Metro

Smog mula Taal umabot na sa Metro Manila

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Smog mula Taal umabot na sa Metro Manila
Ang makapal na smog na tumakip sa bahagi ng Metro Manila kahapon buhat sa Taal Volcano.
Kuha ni Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Umabot na sa Metro Manila ang Smog o Vog mula sa nag-aalborotong Bulkang Taal sa Batangas.

Ito ang sinabi ni Aldczar Aurelio, PAGASA weather forecaster, batay sa direksyon ng hangin na kanilang namomonitor mula sa lalawigan ng Batangas papuntang Metro Manila.

Linggo ng gabi anya nakaabot ang smog mula sa Bulacan puntang NCR.

Anya, hindi rin umano halos gumagalaw o kalmado ang hangin nitong Linggo ng gabi hanggang kahapon ng Lunes ng madaling araw dahil sa epekto ng high pressure area.

Kahapon (August 19), alas-8 ng umaga na dahil sa epekto ng sikat ng araw ay unti-un­ting umaangat ang vog pataas sa atmosphere.

Samantala, tatlong lungsod at isang bayan sa Metro Manila ang maituturing na mapanganib ang air quality kahapon.

Sa real time ambient air quality monitoring ng Environmental Management Bureau ng NCR, maituturing na unhealthy para sa mga sensitive groups ang hangin sa Caloocan, Parañaque at Pateros samantalang very unhealthy naman ang kalidad ng hangin sa Makati City.

vuukle comment

METRO MANILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with