Thai naharang sa NAIA, P20.7 milyon kush kumpiskado
MANILA, Philippines — Umaabot sa higit P20.7 milyong halaga ng kush o high grade marijuana ang nasamsam ng PNP-Drug Enforcement Agency mula sa isang Thai national na dumating sa NAIA terminal 3, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay PNP-DEG Director PBGen. Elezar Matta, iniimbestigahan na ang suspek na isang babaeng Thai, 40, matapos na dumaan sa controlled delivery operation (Interdiction Operation) ng international Arrival Area ng NAIA TERMINAL 3, Pasay City.
Nakuha sa suspek ang isang transparent plastic na naglalaman ng 14,825 grams ng marijuana at may standard price na P20,755,000.00.
Dinala na sa PDEA Laboratory Service ang suspek at kush na nasabat.
Ang PNP-DEG ay miyembro ng Ninoy Aquino International Airport Interagency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG).
- Latest