^

Metro

LRT-1 operation, suspended sa 3 weekends ng Agosto

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pansamantalang magsususpinde ng operasyon ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 3 (LRT-1) sa tatlong huling weekend ng Agosto.

Ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-1, layunin nitong pabilisin ang paghahanda sa target na pagbubukas ng Cavite Extension Phase 1 sa ikaapat na bahagi ng 2024.

Sa inilabas na abiso ng LRMC kahapon, nabatid na suspendido ang serbisyo ng LRT-1 sa Agosto 17 hanggng 18; Agosto 24 hanggang 25 at Agosto 31 hanggang Setyembre 1.

“During these periods, no commercial train service will be available from Fernando Poe Jr. Station to Baclaran Station,” dagdag pa ng LRMC.

Tiniyak naman ng LRMC na ang temporary closures ng rail line ay magreresulta sa long-term convenience ng mga commuters, sa sandaling maging na ang pinalawak na LRT-1.

Pinayuhan din ng LRMC ang mga commuters na planuhin ang kanilang biyahe at gumamit na lamang ng ibang alternatibong transportasyon.

LRT 1

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with