^

Metro

Manibela, nagkasa muli ng 3-araw na tigil-pasada

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Manibela, nagkasa muli ng 3-araw na tigil-pasada
Members of Manibela stage a protest at the Office of the Ombudsman as they file a criminal case against Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, Office of Transport Cooperative (OTC) Chairman Andy Ortega, and Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) members Teofilo Guadiz Jr., Engr. Liza Marie Paches, Atty. Mercy Jane Paras Leynes, and Atty. Robert Peig in relation to the controversies surrounding the jeepney modernization program on February 7, 2024.
STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nagkasang muli ang grupong Manibela ng tatlong araw na tigil-pasada sa susunod na linggo.

Ito’y kasunod na rin ng ginawang pagbasura ni Pang. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa inilabas na resolusyon ng Senado na nagrerekomenda ng pansamantalang suspensiyon sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Mismong si Mani­bela president Mar Valbuena ang nag-anunsiyo ng idaraos nilang transport strike mula Agosto 14-16, na natapat sa mga araw ng Miyerkules hanggang Biyernes.

“Hindi po kami nananakot. Sa susunod na Miyerkules kung wala pong malinaw na direktiba galing Malacañang, Department of Transportation, o Land Transportation Franchising and Regulatory Board, kung papaano itong minorya na natitira, strike po kami,” dagdag pa niya.

Matatandaang kamakailan ay nagpalabas ang Senado ng resolusyon na nagrerekomenda sa temporary suspension ng PUVMP na tinututulan naman ng mga transport coope­ratives na tumalima sa programa.

Hindi rin naman pinaboran ng pangu­lo ang resolusyon na nilag­daan ng 22 senador, at sa halip ay nanindigan sa kanyang suporta sa naturang modernization program, na mas kilala na nga­yon sa tawag na Public Transport Modernization Program (PTMP).

vuukle comment

MANIBELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with