^

Metro

600 bulag nakiisa sa White Cane Walk 2024

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
600 bulag nakiisa sa White Cane Walk 2024
Dagsa ang mga nakiisang miyembro ng Federation of Quezon City Blind Masseurs at grupo ng mga PWDs sa ginanap na “White Cane Safety Walk 2024” na inorganisa ng QC Persons with Disability Affairs Office at Philippine Blind Union, sa Quezon City Hall Complex kahapon.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa 600 taong may kapansanan sa paningin ang nakiisa sa White Cane Walk 2024 na ginanap sa Quezon City Hall Compound kahapon ng madaling araw.

Ang kaganapan ay inorganisa ng Quezon City Persons With Di­sability Affairs Office sa pakikipagtulungan ng Philippine Blind Union na may temang “Promoting Inclusion: Ce­lebrating Abilities and Advocating Access for People with Blindness.”

Ayon sa organizer, ito ay upang itaas ang kamalayan tungkol sa mga taong may kapansanan sa paningin at hamunin ang “maling kuru-kuro na ang pagkabulag ay naglilimita sa mga pagkakataon sa karera.”

Sinabi ni Butch Robredo, president ng Phi­lippine Blind Union, nais nilang ipalaganap na ang kanilang hawak na baston ay simbolo na hindi sila nakakakita, gayunman nais pa rin nilang maging productive, independent, at maging assets ng lipunan.

Noong 1989, ang Republic Act No. 6759, na kilala rin bilang “White Cane Act,” ay pinagtibay bilang batas sa Pilipinas na naglalayong itaguyod at protektahan ang kapakanan ng mga bulag na indibidwal. Idineklara rin nito ang Agosto 1 bilang White Cane Safety Day.

WHITE CANE WALK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with