‘College education behind bars’ ng BJMP palalawakin pa
MANILA, Philippines — Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na mas palawakin nila ang kanilang ‘college education behind bars’ sa bansa.
Ayon kay BJMP Director Ruel Rivera, ang ‘college education behind bars’ ay layong maisakatuparan ng mga persons deprived of liberty ang kanilang pangarap na makatapos ng kanilang pag-aaral.
Sinabi ni Rivera na hindi hahadlangan ng kawanihan ang pangarap ng bawat PDL na makapag-aral para sa kanilang kinabukasan.
Ang mga PDL na nasa pangangalaga ng BJMP ay hindi pa convicted.
Batay sa kanilang datos, sinabi ni Rivera na nasa 425 ang nasa kolehiyo kung saan 294 ang lalaki at 131 naman ang babae.
Napag-alaman na nangunguna ang Baliwag City Jail na may 40 college students na sinundan ng Quezon City Jail Female Dorm at Sta. Rosa City Male Dorm na may 39 enrollees at Davao City Jail na may 36 enrollees.
Dalawa ang inaasahang magtatapos ngayong Agosto 2024, anim sa 2025, lima sa 2026, walo sa 2027, at isa sa 2028.
Wala ring pinag-iba ang mga kurso sa kanilang ‘college education behind bars’ program sa mga kurso sa mga unibersidad,
Umaasa si Rivera na dadami pa ang sasailalim sa ‘college education behind bars’ dahil prayoridad ng BJMP reformation ng bawat PDL.
- Latest