^

Metro

Misis inaresto, hinihinalang karelasyon ni mister sinunog!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Misis inaresto, hinihinalang karelasyon ni mister sinunog!
This photo shows a picture of a hand in handcuffs.
Pixabay / File

MANILA, Philippines — Isang 25-anyos na misis ang nakapiit sa custodial facility ng Manila Police District (MPD) matapos sunugin ang kapitbahay na babaeng pinagselosan at hinihinalang karelasyon ng kanyang mister, sa Tondo, Maynila, noong nakalipas na Biyernes.

Ang suspek na si alyas “Maria” ay nahaharap sa kasong frustrated murder matapos pormal na magsampa ng kaso ang biktimang kapitbahay niya sa Tondo, na nagtamo ng 3rd degree burns sa ulo, kamay at leeg.

Nitong Hulyo 26, nang arestuhin ng District Special Operations Unit ng MPD ang suspek sa kaniyang bahay, kaugnay sa insidente.

Sa imbestigasyon, habang natutulog sa labas ng bahay ang biktima ay nagising siya nang makaramdam ng init at nagulat na nag-aapoy na ang kanyang katawan at nangangamoy gas.

Isang kaibigan at kapitbahay ang sumaklolo at agad na inisprayan ng tubig na nagkataong may hawak na hose nang mang­yari ang panununog.

Nadiskubre na habang ang biktima ay natutulog, binuhusan siya ng gas sa pagluluto o kerosene ng suspek at sinindihan.

Nang makita umano ng suspek na nag-aapoy na ang ulo ng biktima ay nakonsensya siya suba­lit nanaig ang takot sa ginawa kaya hindi na niya nagawang dalhin sa ospital.

Aminado ang suspek na nagselos siya sa biktima na hinala niya ay karelasyon ng mister niya.

Paliwanag niya, ayaw niyang maranasan ng mga anak nila ang broken family.

Sa panig ng biktima, walang katotohanan ang bintang ng suspek dahil siya ay may-asawa at katunayan ang tsismis na ikinalat umano ng suspek na kasama niya ang mister nito sa isang hotel ay malabong mangyari dahil sa mga oras na sinasabi ay magkasama umano sila ng asawa niya sa loob ng bahay nila.

Sa beripikasyon, sinabi ni MPD-Public Information Office head, P/Major Philip Ines, ikalawang pagkakataon na ang karahasang ginawa ng suspek Batay sa rekord, naganap umano ito noong Oktubre 2022, nang komprontahin at saksakin ng basag na bote ng suspek ang isa ring babae sa Tondo na kaniyang pinagselosan sa hinalang karelasyon ng kaniyang mister.

vuukle comment

MANILA POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with