Tapyas presyo sa produktong petrolyo, ipapatupad ngayon
MANILA, Philippines — May tapyas presyo ang mga lokal na kompanya ng langis sa mga produktong petrolyo ngayong araw na ito.
Ang Petron Corporation, Pilipinas Shell at Chevron Philippines ay magpapatupad ng price rollback ng premium at unleaded gasoline ng P0.75 kada litro, diesel ng P0.85 kada litro at kerosene ng P0.80 kada litro na epektibo alas 6:01 ng umaga ngayong Martes.
Magbabawas ng parehong halaga ang Seaoil Philippines at Flying V sa kanilang mga produktong petrolyo habang dalawang iba pang higanteng langis, ang PTT Philippines at Total Philippines, na hindi nagbebenta ng kerosene, ay magpapatupad ng parehong adjustment sa presyo ng kanilang mga produktong diesel at gasolina, simula rin alas-6:01 ng umaga.
Ang mga independiyenteng kompanya na Phoenix Petroleum, Unioil Philippines, Petro Gazz at Eastern Petroleum, na hindi nagbebenta ng kerosene, ay magpapatupad ng parehong price adjustments alas-6:01 ng umaga habang ang Clean Fuel ay mauuna alas 12:01 ng umaga.
Sinabi ng PTT Philippines Media Relation Officer na si Jay Julian na ang mga source ng industriya ng langis ay nagsiwalat na ang demand para sa langis sa pandaigdigang merkado ay nagsisimula nang bumagal dahil sa paghupa ng tensyon sa teritoryong may kaguluhan ng Gaza at ang deklarasyon ng Tehran na hindi sila gaganti sa missile ng Israel pag-atake noong nakaraang linggo.
- Latest